Muling sumipa ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong araw matapos maitala ang mas mababa sa 1,000 kahapon.
Sa data ng Department of Health (DoH), nakapagtala ng 1,153 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala, mayroon namang naitalang 2,182 na gumaling at 195 na ang pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.7 percent o 18,721 ang aktibong kaso, 97.7 percent naman o 2,761,617 ang gumaling at 1.68 percent o 47,482 naman ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang laboratoryo ang hindi operational noong November 21, 2021 habang mayroong walong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 laboratoryo na ito ay humigit kumulang 2.0 percent sa lahat ng samples na nai-test at 2.2 percent naman sa lahat ng positibong mga indibidwal.