-- Advertisements --
duterte on middle east
Pres. Duterte

Pumalo na sa 24 ang kaso ng coronavirus sa bansa.

Ito mismo ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pakikipagpulong niya sa task force on emerging infectious diseases.

Ang nasabing bagong kaso ay mula sa West Crame, San Juan, Sta. Maria-Bulacan at Project 6 sa Quezon City.

Tatlo sa kanila ay walang travel history mula sa ibang bansa habang ang dalawa ay nakasalamuha ang taong mayroong COVID-19.

Ang mga bagong nagpositibo ay bumiyahe sa United Arab Emirates, Australia, Taiwan at Japan.

Ibinibilang naman ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 dahil sa mas pinaigting na pagbabantay ng DOH sa nasabing virus.