-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umaabot na ngayon sa 104 ang kaso ng Coronavirus Disease (Covid 19) sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito mismo ang kinumpirma ni BARMM Inter-Agency Task Force on Covid 19 spokesman Asnin Pendatun.

Karamihan sa mga nagpositibo sa Covid 19 sa BARMM ay mga returning overseas Filipino (ROF) at mga Local stranded individual (LSI).

Pinakamaraming naitala sa Lanao Del Sur na may 74 na kaso, sinundan ng Maguindanao 21, Basilan 6 , Sulu 3 habang Covid Free pa rin ang Tawi-Tawi.

Mula sa 104 cases, 44 na ang nakakarekober, 4 ang namatay habang 52 ang active cases na kasalukuyang naka admit sa mga pagamutan.

Sa ngayon ay pinalakas ng Bangsamoro Government ang kampanya kontra Covid 19 pandemic.