-- Advertisements --
CORONA

Pumalo na sa mahigit 1-milyon ang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang naitala sa buong mundo.

Ayon sa tala ng World Health Organization, mayroong mahigit 51,000 ang nasawi habang 208,000 naman ang gumaling mula sa nasabing sakit.

Nananatili pa rin ang US ang may pinakamaraming kaso ng virus ang naitala sa buong mundo habang ang Italy naman ang nanguna sa pinakamaraming nasawi dahil sa virus.

Umabot pa sa isa at kalahating buwan bago umabot ang kaso ng coronavirus sa 100,000 at naabot ang isang milyon na kaso dahil sa patuloy ang pagdoble ng mga nadadapuan kada araw.