-- Advertisements --

Nakapagtala na naman ng panibagong kaso ng coronavirus disease(COVID-19) ang Cebu City kung saan nadagdagan ng 7 ang bilang ng mga nahawaan ng virus nitong lungsod.

Ayon pa kay Cebu City Mayor Edgardo Labella kabilang sa mga bagong nagpositibo nitong lungsod ay nagmula sa Fishport, Brgy Suba,1; Cebu City Jail,2; San Antonio, Calamba,2 ; 1 sa Katipunan, Labangon at 1 din ang naidagdag sa Hipodromo at parehong naka admit ang mga ito.

Nasa 173 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa Cebu City kung saan 6 na ang binawian ng buhay at 15 naman ang nakarekober.

Samantala, nakapagtala naman ng 3 panibagong kaso sa Mandaue City at 2 kaso naman sa Lapu-lapu City.

Sa Mandaue, parehong nagmula ang mga nagpositibo sa Sitio Sili, Brgy. Cambaru lungsod ng Mandaue kung saan kinabibilangan ito ng isang 60 anyos na lalaki, 20 anyos na babae at 16 anyos na lalaki. Wala namang sintomas na ipinapakita ang mga ito.

Kasalukuyan namang naka cordon ang lugar at nagsagawa na rin ng pag-disinfect ang mga miyembro ng Disaster Risk Reduction Management Office at City health office sa lugar kung saan nakatira ang mga pasyente.

Umabot na sa 9 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibong kaso sa Mandaue at 2 ang nakarekober.

Samantala,kabilang sa panibagong kaso sa Lapu-lapu City ang isang 62 anyos mula sa Sitio Gabi, Brgy. Gun-ob at 15 anyos mula sa Sunrise Place, Brgy Agus.

Umabot naman sa 13 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng lungsod. Nagsagawa rin ng contact tracing at disinfection sa lugar upang maiwasan pang kumalat ang nasabing virus.