-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na nadagdagan pa ng 73 panibagong kaso ng coronavirus disease(COVID-19) ang Cebu City ngayong araw.

Sa naitalang kaso, 72 nito ang mula sa Sitio Callejon Brgy. Labangon at 1 naman mula sa Brgy. Opra nitong lungsod.

Agad namang inilipat ang mga pasyente sa mga desinated Barangay Isolation Center (BIC) upang doon i quarantine at i monitor ng Cebu City Health Department.

Sa ngayon, umabot na sa 126 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa Brgy. Labangon habang nasa 549 naman ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso nitong lungsod.