-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Lalo pang lumubo ang mga kaso ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region.
Batay sa datus ng Department of Health – Cordillera, naitala ang 86 na karagdagang kaso kung saan, nairekord ang 28 sa Baguio City, 38 sa Benguet, 18 sa Kalinga at dalawa sa Mountain Province.
Samantala, gumaling naman mula sa nasabing sakit ang 78 na pasyente ng COVID-19 sa rehiyon.
Mula sa mga gumaling, 23 ang mula sa Baguio City, 42 sa Benguet at 13 sa Kalinga
Dahil dito, aabot na sa 5,657 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cordillera, 5, 128 ang mga gumaling habang 61 ang mga nasawi.