-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Aabot na sa 4,143 ang kabuoUng kaso ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region.
Batay sa talaan ng Department of Health – Cordillera, aabot sa 1,517 ang aktibong kaso sa rehiyon pagkatapos maitala ang 47 na bagong kaso kahapon kung saan, 33 sa mga ito ang mula sa Baguio City, pito sa Benguet, lima sa Kalinga at tig-isa sa Apayao at Ifugao.
Aabot na rin sa 2,583 ang kabuoang bilang ng mga gumaling pagkatapos maitala ang apat na recoveries sa Benguet, tatlo sa Kalinga habang isa sa Mountain Province.
Nananatili namang 43 ang bilang ng mga nasawi sa rehiyon dahil sa COVID-19.