-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Aabot na sa 4,290 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region.
Batay sa datus ng Department of Health – CAR, pumalo na sa 1,175 ang aktibong kaso ng naturang sakit pagkatapos maitala ang 56 na karagdagang kaso kahapon kung saan, 33 ang mula sa Baguio City; 11 sa lalawigan ng Benguet; walo sa Kalinga at tatlo sa Abra.
Umakyat na rin sa 3,070 ang kabuoang bilang mga gumaling mula sa nasabing virus pagkatapos makarekober ang 38 mula Benguet, 31 sa Baguio City, lima sa Ifugao, tig-dalawa sa Kalinga at Apayao, habang isa sa Abra
Nananatili namang 45 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Cordillera.