-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Lalo pang nadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region.
Batay sa datus ng Department of Health – Cordillera, naitala ang 43 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kahapon kung saan, nairekord ang 12 sa mga ito sa Baguio City, 27 sa Benguet, tatlo sa Mountain Province at isa sa Ifugao.
Samantala, gumaling naman mula sa virus ang 38 na pasyente sa rehiyon.
Mula sa mga gumaling, 28 ang naitala sa Baguio City, anim sa Benguet, tatlo sa Mountain Province at isa sa Apayao.
Sa ngayon, aabot na sa 5,699 ang kabuoang kaso ng COVID-19 sa Cordillera, 5,166 ang mga gumaling at 61 ang mga nasawi.