-- Advertisements --

LAOAG CITY – Umabot na sa 89 ang kaso ng COVID-19 dito sa Ilocos Norte matapos maitala nitong Linggo ang tatlong news cases.

Sa ipinalabas na impormasyon ni Gov. Matthew Marcos Manotoc, ang mga bagong kaso ay sina IN-C87, babae, 25-anyos, APOR o Customer Service Representative; IN-C88, lalaki, 51-anyos at si IN-C89, babae, 23-anyos at pawang mga residente ng Brgy. 18, Pasuquin, Ilocos Norte.

Ang exposure nina IN-C88 at si IN-C89 ay si IN-C87 na residente nga nasabing barangay habang ang exposure ni IN-C87 ay si IN-C73, lalaki, 38-anyos, APOR o Customer Service Representative at residente ng Brgy. 6 dito sa lungsod ng Laoag.

Nabatid na si IN-C88 ay symptomatic at naadmit sa hospital habang sina IN-C87 at si IN-C89 ay parehong asymptomatic at isolated.

Umaabot na sa limang Customer Service Representative ang nagpositibo sa COVID-19 at nagtatrabaho sila sa iisang kompanya.