-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong 622 na kaso ng coronavirus ang Japan.

Dahil dito ay pinangangambahan ng bansa ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noong Mayo kasi ay niluwagan na ng bansa ang ipinatupad na state of emergency.

Pumalo na sa 23,600 na kasong coronavirus ang naitala sa bansa.

Ayon naman kay Tokyo Governor Yuriko Koike, kaya tumaas ang nasabing kaso ay dahil sa pinaigting na nila ang coronavirus testing sa kanilang bansa.

Itinaas na rin ng Tokyo metropolitan government sa alert level 4 ang kanilang lungsod na ang ibig sabihin ay patuloy ang pagkalat ng infections.