-- Advertisements --

Umabot na sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa Japan .

Tumaas ang bilang ng kaso mula ng magsimula ang Tokyo Olympics.

Nitong Biyernes lamang ay nagtala ang Japan ng 15,645 na bagong kaso ng COVID-19.

Hindi naman lubos maisip ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na tataas ang kaso ng COVID-19 sa hosting nila ng nasabing Olympics.

Dahil dito ay magdedesisyon sila sa pagtatapos ng Olympics sa Agosto 8 kung papayagan nila ang mga audience na manood ng Paralympics sa darating na August 24-September 5.