Naobserbahan ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health mula Mayo 7 hanggang 13, nakapagtala ang ahensiya ng 877 bagong covid-19 cases sa buong bansa kung saan nasa average na 125 cases ang napaulat kada araw.
Mayroon ding 5 dinapuan ng COVID-19 ang napaulat na nasawi mula Abril 30 hanggang Mayo 13.
Sa kabila nito nananatiling nasa low risk para sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon sa bansa.
Binigyang diin din ng DOH na walang scientific basis para striktuhan ang pagbiyahe sa anumang bansa dahil patuloy ang pagtunton nila sa mga kaso at international developments.
Sa kasalukuyan mayroong 3 bagong variants ng sakit ang namonitor sa ibang bansa kabilang ang JN.1.18; KP.2; at KP.3 na lahat ay descendants ng JN.1, na isang variant of interest.
Sinabi naman ng DOH na kailangan pa ng ibayong assessment para matukoy ang transmissibility at kapasidad nito na malabanan ang immune response.
Payo pa rin ng DOH ang boluntaryo at maayos na paggamit ng face mask kalakip ang paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa crowds at dapat may maayos na bentilasyon.