-- Advertisements --

NAGA CITY- Pumalo na sa 160 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, Provincial Health Officer ng lalawigan, sinabi nitong mayroong limang bagong kaso na naitala.

Ayon kay Santiago, sa nasabing bilang, 127 ang nakarekober na habang 11 naman ang binawian ng buhay.

Aniya, karamihan sa nasabing mga pasyente ang mula sa National Capital Region (NCR) na umuwi sa naturang lugar.

Samantala, ayon kay Santiago, ang kawalan ng koordinasyon ang isa sa kanilang problema sa ngayon kung kaya hindi agad natutukoy ang mga taong pumapasok sa lalawigan na mula pa sa ibang mga infected areas.