-- Advertisements --

Nagtala ng mataas na kaso ng pagkamatay dahil sa coronavirus sa Victoria, Australia.

Mayroon kasing 13 na bagong nasawi at 723 na bagong kaso ang naitala nitong Huwebes sa nasabing lugar.

Nagpapakita ng 36% na pagtaas.

Nangangamba ang mga residente na posibleng mapalawig pa ang ipinapatupad na lockdown sa lugar na nagsimula noong Hulyo 7.

Dahil sa pangyayari ay hinikayat ng mga opisyal sa lugar ang kanilang mamamayan na may sintomas na agad na silang magpasuri.