Nasa 198 na ang total na bilang ngkumpirmadong kaso ng COVID19 sa buong Zamboanga Peninsula.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health Region 9, umakyat sa naturang bilang ang mga kumpirmadong nahawaan ng sakit matapos makapagtala ng panibagong limang kaso ang Zamboanga City.
Sa kasalukuyan umaabot na sa 190 ang naitatala sa Zamboanga City na positibo sa sakit, 6 naman sa Zamboanga del Sur at dalawa sa Zamboanga del Norte habang nananatili covid free ang probinsya ng Zamboanga Sibugay.
Gayunpaman, 38 na lamang ang aktibong kaso matabos makarecover mula sa sakit ang nasa 155 na katao at lima naman ang nasawi na pawang mula sa Zamboanga City.
Samantala, nasa 2,876 naman ang bilang ng mga suspected cases kung saan 2, 291 sa mga ito ang nagnegatibo.
Sa kabilang dako, kinumpirma naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tanging Zamboanga City na lamang ang makakatanggap ng Social Amelioration Program mula ahensya na nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine hanggang Hunyo 30.