-- Advertisements --
Nanganganib ang maraming bansa na matalo muli sa naging panalo nito sa paglaban sa COVID-19 dahil sa pagdami ngayon ng kaso ng Delta variant ng nasabing virus.
Sinabi ni World Health Organization (WHO) director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na nananatili pa ring epekto sa Delta variant ang mga bakuna na aprubado nila.
Nanguna ang Afirca sa may mataas na kaso dahil pumalo sa 80 % sa loob ng apat na linggo.
Nakita sa 132 na bansa ang Delta variant at ito ay nagiging dominante sa buong mundo.
Patuloy din ang panawagan nila sa mga bansa na ituloy lamang ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil malaking tulong ito sa paglaban sa Delta variant.