-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patuloy ngayon na nadagdagan ang kaso ng mga nahawa ng Delta variant sa Davao region matapos kumpirmahin ni Dr. Rachel Joy Pasion, Regional Epidemiology Surveillance Unit head sa Department of Health-Davao Region (DOH-Davao) na nasa walo na ngayon ang nahawa ng virus.

Ayon kay Pasion na dalawang mga returning overseas Filipinos (ROFs) na naninirahan sa lungsod ang nahawa kung saan galing ito sa Africa at taga Carmen sa Davao del Norte na galing naman sa Saudi Arabia.

Kahit na nakarekober na ang mga ito, isinagawa pa rin ngayon ang contact tracing.

Sa kasalukuyan, ang Davao ang may pinakamaraming bilang ng mga nagpositibo ng Delta na nasa lima, sinundan ito ng Davao del Norte na may dalawa at isa sa Davao del Sur.

Dahil dito, kailangan umano bilisan ang pagbabakuna lalo na sa mga vulnerable sector para mapigilan agad ang pagtaas ng kaso ng Delta cases.

Humiling rin ngayon ang mga vaccination sites na magpatupad rin ng priority lanes sa mga nasa A-2 at A-3 na parehong delikado ng covid-19.