-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muling nagpaalala ngayon ang mga health care workers sa lungsod na doblehin pa ang pag-iingat ito ay matapos nadagdagan pa ng dalawang bagong kaso ng Delta variant ang siyudad na mas nakakahawang klase ng corona virus.

Mismong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang nagkumpirma na umabot na ngayon sa tatlo ang naitalang kaso ng Delta variant sa lungsod

Una ng sinabi ng Department of Health 11 regional office (DOH 11) na ang dalawang nahawaan ng virus ay kinabibilangan ng isang 47 anyos na lalaki na nakalabas na hospital ngunit dinala ito sa Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) dahil sa pending nito sa RT-PCR test results.

Samantalang ang isa pang kaso ay ang 36 anyos nga babae na na-discharge noong nakaraang linggo at nasa isolation facility rin ito dahil hinihintay rin ang kanyang RT-PCR test results.

Ang bagong dalawang delta variants ay base sa inilabas na report ng University of the Philippines – Philippine Genome Center’s (UP-PGC) Whole Genome Sequencing (WGS) sa nakaraang linggo kung saan kabilang rin sa mga na-detect ang 48 na kaso ng Alpha variant at 128 na kaso ng Beta variant.

Dahil dito, nanawagan ang DOH sa lahat ng mga Local Government Units (LGUs) sa rehiyon na higpitan pa ang quarantine protocols, testing at isolation.

Pinayuhan rin Mayor Inday ang publiko na epektibo pa rin ang pagsunog sa minimum health protocols para hindi mahawa ng kahit ano mang variant ng Covid-19.