-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Bumaba ang kaso ng dengue at iba pang uri ng sakit sa lungsod ng Baguio habang nararanasan ang pandemya.

Batay sa report ng City Health Services Office, aabot lamang sa 106 ang kaso ng dengue sa lunsod mula Enero Uno hanggang Oktubre 3 ng kasalukuyang taon.

Mas mababa ito ng 83.79 percent kumpara sa 654 na kaso na naitala sa kaparehong buwan noong 2019.

Bumaba din ang kaso ng acute bloody diarrhea na aabot lamang sa pito ngayong taon mula sa 82 noong nakaraang taon.

Aabot naman sa 15 ang naitalang kaso ng hand-foot-mouth diseases ngayong 2020 mula sa 142 noong 2019.

Naitala pa ang ang 14 na kaso ng Hepatitis ngayong taon mula sa 77 noong 2019, influenza-like illnesses na 267 ngayong taon mula sa 792 noong 2019, tigdas na 222 ngayong taon mula sa 442 noong 2019.

Bumaba din ang kaso ng typhoid fever na 11 ngayong taon mula sa 101 noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, ipinayo pa rin ni City Epidemiologist Dr. Donnabel Tubera-Panes ang pananatiling malinis ng kapaligiran para lalong makaiwas sa sakit.