-- Advertisements --
Umabot na sa 115,986 na kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.
Sa nasabing bilang ay mayroong 491 dito ang namatay matapos na dapuan ng nasabing sakit.
Ang mga lugar na may pinakamaraming kaso ng dengue ay ang Central Luzon, Northern Mindanao, Socksargen at BARMM.
Nagkaroon pa aniya ng epidemic sa mga lugar ng Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Bicol region at Calabarzon.
Lumabas din sa pagtaya ng DOH na sa loob lamang ng pitong buwan ngayong taon ay nahigitan na ang bilang ng may pinakamaraming dengue cases noong nakaraang taon.
Nauna rito, idineklara ng DOH ang national dengue alert noong nakaraang linggo na kanilang mahigpit na inoobserbahan ang pagtaas ng nasabing kaso.