-- Advertisements --
Mines View Park Baguio City
Mines View Park, Baguio City (photo from www.pinoyadventurista.com)

BAGUIO CITY – Pumalo na sa 61 porsiyento ang itinaas ng kaso ng dengue sa lungsod ng Baguio.

Ayon kay Dr. Donnabel Tubera, dengue program coordinator ng City Heath Services Office, naitala nila ang 474 na kaso ng dengue sa Baguio mula Enero hanggang Setyembre 9 ng kasalukuyang taon.

Aniya, halos doble ang itinaas nito kung ihahambing sa 294 na kaso ng dengue na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Dinagdag niya na apat na indibidwal ang kumpirmadong namatay dahil sa dengue fever kung saan sila ay nasa edad na 81-anyos, 62, 54 at siya na taong gulang.

Sinabi pa niya, dahil sa nasabing datos ay pinaiigting pa ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang kampanya upang mapuksa ang mga dengue-carrying mosquito at maiwasan ang pagkalat ng nasabing nakamamatay na sakit.

Patuloy din ang implementasyon ng iba’t ibang ahensiya sa 4S Program o ang Search and destroy breeding places, Self-protection measures; Seek and early consultation at Support spraying to prevent impending diseases ng Department of Health.