Lumubo sa 646 % ang naitalang kaso ng dengue sa Baguio noong nakalipas na taon.
Batay sa datos ng Baguio City Health Services Office, mas mataas ang numerong ito kumpara sa naitalang kaso noong 2023.
Ayon sa medical surveillance officer ng City Epidemiology and Surveillance Unit na si Kimberly Sibayan, katumbas ito ng 9,688 na kaso ng dengue noong 2024.
Mas mataas ito ng 8,389 na kaso kumpara sa 1,299 na naiulat na kaso dalawang taon na ang nakakalipas.
Mula sa naturang bilang ay umabot sa labing siyam pasyente ang nasawi na binubuo ng 11 na lalaki at 8 babae.
Tumaas ito ng 533 percent mula sa tatlong nasawi noong 2023.
Pinakamatandang nasawi sa Dengue ay 97 anyos habang ang pinakabata ay 23 anyos.
Niatala ang pinakamaraming kaso ng dengue noong 2024 mula sa Barangay Irisan na sinundan ng Bakakeng Central, Asin Road, Pacdal, Camp 7, Bakakeng Norte at Sur, Santo Tomas Proper, Loakan Proper, San Luis Village, at Gibraltar.