-- Advertisements --
Bumaba ang kaso ng dengue sa bansa nitong nakaraang huling dalawang linggo ng Abril.
Ayon sa Department of Health na mayroong 5,380 na kaso ang naitala noong Marso 24 hanggang Abril 6, 2024.
Habang nitong Abril 21 hanggagn Mayo 4 ay mayroong 3,634 o mayroong hanggang 30 porsyentong pagbaba.
Mula aniya noong pagsisimula ng 2024 ay mayroong kabuuang 459,267 na kaso ng dengue ang naitala ng DOH kung saan 164 dito ang nasawi.
Dahil sa nalalapit na ang panahon ng tag-ulan ay muling nag-paalala si Health Secretary Teodoro Herbosa sa publiko na puksain ang mga pinamumugaran ng mga lamok sa kanilang lugar.