-- Advertisements --

Umakyat na sa 528 ang na admit sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC sa Cotabato City dahil sa paglobo ng bilang ng mga tinamaan ng viral infection na dengue.

Sa talaan na inilabas ng CRMC, 211 dito ay mula sa Cotabato City, 258 naman ang taga Maguindanao, North Cotabato 29, Sultan Kudarat 24, at anim ang mula sa Lanao Del Sur ang kasalukuyan nakaadmit sa Cotabato Regional and Medical Center.

Nadagdagan rin ang namatay dahil sa impeksyon na ito na umabot ng 12 ayon sa pagtatala ng nasabing ospital.

Patuloy naman ang panghihikayat ng Department of Health na mas maigtingin ang 4s o Search and Destroy, Secure Self-protection, Support Fogging and Spraying, and Seek Early Consultation, dahil ito parin ang pinakamabisang paraan upang mapuksa ang kumakalat na viral infection na dengue.