-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Inihayag ng Provincial Health office Pangasinan na bumaba sa higit 60% ang kaso ng dengue simula Enero hanngang Agosto a-otso ngayong 2022 kumpara sa parehong panahon noong taong 2021.

Ayon kay Dr. Anna De Guzman na siyang Provincial Health Officer sa lalawigan na bagaman bumaba ang kaso ng dengue ay kanilang ikinaalarma na sa nakalipas na linggo ay nakitaan ng pagtaas nito na umaabot sa 175 at aniya na dahil hindi pa tapos ang panahon ng tag-ulan ay maaari pa itong madagdagan.

Sa kabuuan as of August 8 ay nasa 1, 278 na ang kanilang naitatala kung saan apat rito ay nasawi mas mababa ito kung ihahambing sa 3, 197 na mga kaso noong nakaraang taon na may dalawang nasawi dahil sa naturang sakit.

Aniya patuloy nilang binabantayan ang mga bayan at siyudad sa San Carlos na may 153 cases, sumusunod rito ang Malasiqui na mayroong 94 na kaso ng dengue, Urdaneta City na may naidatos ng 71 kasama rin sa kanilang minomonitor ang Lingayen na mayroong 53 kaso at panghuli ay ang Sta. Barbara na may 52 naman na kaso.

Tiniyak rin nito na patuloy ang kanilang pakikipagugnayan sa Municipal Health Offices para sa ligtas na pagbubukas ng klase.

Aniya may mga naitalaga ng rural sanitary inspectors na magtutungo sa bawat paaralan na ito ay magiging ligtas mula sa sakit na dengue.

Kasabay nito ay nilinaw rin ng opisyal na hanggang sa ngayon ay wala pang naaaprubahang bakuna laban rito.

Pagdidiin din nito na kung may nararamdamang sintomas lalo na kung may dalawa hanggang tatlong araw na lagnat ay agad ng magtungo sa mga health centers at huwag magself medicate.