-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tumaas ng 109-porsiento ang naitalang kaso sa dengue nitong lungsod ng Butuan sa unang limang linggo ngayong taon o mula sa Enero a-1 hanggang Pebrero a-4.

Ayon kay Michiko De Jesus, tagapagsalita ng Butuan City Government, umabot sa 48 mga kaso ng dengue ang naitala ng City Health Office sa nasabing panahon na mas taas kumpara sa 23 na naitala namansa kagayang panahon nitong nakalipas na taon.

Sa naturang bilang, isang taon pa lang na batang babae ang pinakabatang nadapuan ngunit walang naitalang casualty.

Kaugnay nito’y patuloy ang pagsasagawa ng mga personahe ngCity Health Office ng 4S Method o Search and destroy sa mga maaating maiitlugan ng lamok, Self-protection mula sa lamok na nagdala ng dengue virus, Seek early consultation sa doctor at iba pang health personnel, at Support fogging o spraying sa mga hot spot areas.