-- Advertisements --

Roxas City – Nagtaas sa 988 porsyento ang kaso ng dengue sa probinsiya ng Capiz.

Ba-se sa pinakahuling na-record ng Provincial Health Office at Department of Health-Capiz simula noong Enero 1 hanggang Hulyo, 2019, umabot na sa 4,209 ang kaso ng dengue sa lalawigan.

Nangunguna pa rin na may pinakamadaming kaso ng dengue ang Roxas City na may 845, sinundan ng bayan ng Dao na may 400 na kaso, 341 sa Pontevedra, 302 sa Panay, 301 sa Tapaz, 270 sa President Roxas, 246 sa Ivisan kag Dumalag, 202 sa Mambusao, 197 sa Sigma, 181 sa Panit-an, 146 Jamindan, 129 Sapian, 158 Maayon, 111 Cuartero, 113 Dumarao at 104 sa Pilar.

Ayon kay Mr. Joeffrey Espiritu, Development Management Office 4 ng DOH-Capiz patuloy ang kanilang adbokasiya para maiwasan ang sakit na dengue.

Inihayag naman ni provincial administrator Dr. Edwin Monares na nasaad sa executive order na suportado ng lokal na gobyerno ng probinsya ang pagpapagamot sa mga pasyente na may sakit na dengue.

Napag-alaman na sa nasabing numero 18 na ang patay dahil sa dengue, kung saan mayorya dito na nagkakaroon ng sakit na dengue ay mga kabataan na may edad isa hangang sampung taong gulang.

Samantala sa mga ospital sa lalawigan, nangunguna ang Roxas Memorial Provincial Hospital na mayroong pinakamadaming pasyente na nagkakasakit ng dengue.

Matatandaan na idineklara na ang dengue outbreak sa lalawigan dahil sa patuloy na pagtaas ng numero ng mga biktima ng naturang sakit.