Pumalo sa 255 ang kaso ng dengue nitong lungsod ng Cebu sa loob lamang ng tatlong araw nitong buwan ng Oktubre batay sa datos ng City Health Department.
Kaugnay nito, 70% pa sa mga kumpirmadong nasawi dahil sa dengue ay may edad pitong taong gulang hanggang labing dalawang taong gulang at maging ang 75 anyos pataas.
Nakitaan naman ng 394% na pagtaas ang bilang ng mga kaso sa unang 10 buwan ng 2024 kumpara sa parehong period noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, tinawag ni Cebu City North District Councilor Mary Ann De Los Santos na tila isang bangungot ang pagtaas ng mga kaso kaya naman dapat pa umanong pagtuunan ng pansin at paigtingin pa ang kampanya laban sa dengue.
Ayon kay De Los Santos, ang datos tungkol sa dengue cases rate nitong lungsod ay isang repleksyon ng kawalan ng kakayahan at maling pamamahala ng City Health Department.