-- Advertisements --
DAGUPAN CITY–Mas mataas ang naitalang kaso ng dengue sa syudad ng Dagupan noong nakaraang taon kumpara sa kasalukuyan.
Ngunit ayon kay Dr. Ophelia Rivera, Dagupan City Health Officer hindi dapat maging kampante ang mga publiko lalo na ngayon na papasok na ang panahon ng tag-ulan.
Aniya, best prevention pa rin ang palagiang paglilinis sa paligid, at matutong sumunod sa mga ibinibigay nilang paalala upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.
Nagsagawa na rin aniya sila ng misting operation sa mga public schools upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod.
Ayon pa kay Rivera, hindi rin maiiwasan ang paglusong sa baha kaya naman pinapayuhan nito ang mga Dagupeno na uminom na lamang ng gamot para hindi tamaan ng leptospirosis.