DAVAO CITY – Domoble pa ngayon ang bilang na naitatala ng Department of Health (DOH) Davao sa kaso ng dengue sa Davao region kung saan nasa 2,468 na ang bilang mula Enero hanggang Mayo 2019 kung ikukumpara sa parehong panahon sa 2018 na nasa 1,050 na kaso lamang.
Base sa record ng DOH Davao nasa apat ang namatay dahil sa late discovery sa paniniwalang ito ay ordinaryong lagnat lamang at lumala na bago isinugod sa ospital ang pasyente.
Ayon pa kay DOH Davao Regional Dengue Control and Prevention Program manager engineer Antonietta Ebol, may posibilidad pa rin na umakyat ang bilang sa darating na mga linggo.
Domoble rin umano ang bilang nito sa gitna ng ipinatupad na mga polisiya para lamang bumaba ang kaso ng dengue.
Sa kasalukuyan patuloy ang ginagawang awareness campaign ng ahensiya sa grassroots level para lamang bumaba ang bilang at mapigilan ang pagtaas ng mosquito-borne diseases.
Ibabalik naman ng DOH-11 ang Anti-Dengue Task Force para mamonitor ang iba’t ibang mga areas para maiwasan ang pagtaas ng dengue.