-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bagamat tumaas ng 65.625% ang kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan Cotabato para sa taong 2021, siniguro ni MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. na nagpapatuloy ang kampanya ng lokal na pamahalaan ng Kabacan na mawakasan ang dengue sa gitna ng covid-19.

Aniya, sa ikatlo at ikaapat na quarter ng taong 2021 nakapagtala ng mataas na bilang ng dengue case ang bayan dahil na rin sa mga pag-uulang naranasan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, at mga Medical Workers na patuloy sa pagbibigay ng tamang impormasyon upang mapigilan na dumami ang lamon na may dalang dengue.

Samantala, siniguro ng lokal na pamahalaan ng Kabacan na nakahanda ang kanilang tanggapan na tumugon sa mga request ng barangay kaugnay sa fogging activity.