-- Advertisements --
Tumaas ang kaso ng dengue sa National Capital Region (NCR) kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) na mula Enero hanggang Oktubre 26 ay mayroong 24,232 na kaso ng dengue sa unang 10 buwan ng taon.
Nangangahulugan ito na mayroong pagtaas ng 34.47 percent kumpara sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Ang Quezon City ang nagtala ng may pinakamaraming kaso na umabot sa 6,208 na kaso o katumbas ng 26 percent.
Mayroon ding 66 na kaso ng pagkamatay dahil sa dengue sa NCR.