Lomobo na sa kabuuang 102,619 ang kaso ng dengue na naitala mula Enero ng kasalukuyang taon ayon sa Department of Health (DOH).
Mula January 1hanggang July 30, inulat ng DOH na ang kaso ngayong taon ay mas mataas kumpara sa naitalang kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 44,361.
Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiatala mula sa Region III na nasa 18,664 cases o 18 percent, Region VII na nasa 10,034 o 10 percent at sa National Capital Region ay mayroong 8,870 cases o 9%.
Samantala, nasa kabuuang 23,414 cases naman ang naitala mula July 3 hanggang July 30.
Ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng dinapuan ng dengue ay sa Region 3, sinundan ng NCR at Calabarzon.
Iniulat din ng DOH na siyam mula sa 17 rehiyon kabilang ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, VII, IX, CAR, at NCR ay lumagpas sa epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo habang ang MIMAROPA, at Region VI ay nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng dengue cases.
Sa kabuuan, nasa 368 na ang naitalang nasawi dahil sa dengue.