Umabot na sa kabuuang 340,860 ang mga naitalang kaso ng Dengue sa Pilipinas ayon sa huling tala ng Department of Health (DOH) simula noong buwan ng Enero 1 hanggang Nobiyembre 16 nitong 2024 kung saan mas mataas ng 81 percent kaysa noong 2023.
Umabot lang kasi sa kabuuang 188,574 ang naitalang kaso ng Dengue sa kaparehas na buwan noong nakaraang taon. Ayon pa sa tala ng DOH, mas mababa ang mga nasawi nitong taon na mayroong 0.26 percent kumpara sa 0.34 percent na naitala noong 2023.
Paliwanag ng ahensya ang pagbaba ng mga naitalang nasawi sa Dengue ay dahil umano sa mga Pilipinong pinipili nang mag pakonsulta ng maaga sa mga Hospital.
Panawagan naman ang DOH sa publiko panatilihing malinis ang inyong mga lugar kung saan madalas namamalagi ang mga lamok upang magparami, lalo na aniya sa mga rehiyon na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Samantala, naglabas naman ang DOH ng kanilang ‘4S strategy’ upang labanan ang pagkalat ng Dengue sa lugar.