-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga naitatalang kaso ng Dengue sa lungsod ng Quezon.

Batay sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Division, sumampa na sa kabuuang 3,420 ang kaso ng Dengue sa kanilang lungsod.

Ito ay naitala mula Enero 1 hanggang Marso 10 ng kasalukuyang taon.

Mas mataas ito ng nasa 286.88 percent kumpara sa mga kaso ng Dengue na naiulat noong nakalipas na taon sa parehong panahon.

Sa ngayon ay umaabot sa 12 ang bilang ng mga pasyenteng nasawi dahil sa dengue habang aabot naman sa sampu dito ay pawang mga menor de edad.

Wala namang patid ang lokal na pamahalaan ng Quezon para mapababa ang kaso ng dengue sa kanilang lungsod.