KORONADAL CITY – Patuloy ang pagpapaalala ng mga health experts sa South Cotabato na mahigpit na ipatutupad ang mga hakbang laban sa sakit na dengue matapos umabot na sa halos 5,000 ang kaso ng naturang karamdaman sa lalawigan.
Batay sa data ng South Cotabato Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pamamagitan ni Jose Baroquillo, umaabot na sa 4,732 ang naitalang kaso mula noong Enero hanggang Hulyo 9 ngayong taon.
Nananatili pa rin sa 22 ang mga nasawi sa naturang sakit.
Ayon kay Baroquillo, nananatili pa rin ang lungsod ng Koronadal na may pinakamaraming kaso ng dengue na umaabot sa 967 kaso kung saan una nang nagpatupad ng dengue outbreak ang mga bayan ng Surallah, Banga, Tantangan, Sto Nino at Norala.
Una nang idineklara ng Department of Health ang national dengue epidemic ngayong buwan ng Agosto dahil sa pagdami ng kaso ng dengue sa buong bansa.