-- Advertisements --

Sa kabila ng napaulat na 14 na nasawi matapos dapuan ng sakit na dengue ngayong taon, iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw na bumababa ang kaso ng dengue simula pa noong Disyembre 2023.

Base sa datos mula sa DOH, naobserbahan ng ahensiya ang 16% na pagbaba sa kaso ng dengue sa buong bansa mula Disyembre 3 hanggang 16 o katumas ng 8,629 cases sa 7,274 cases noong Disyembre 17 hanggang 31.

Ito ay bumaba pa sa 5,572 cases mula Enero 1 hanggang 13 ng kasalukuyang taon.

Subalit, posible aniyang magbago ang naturang bilang dahil sa posibleng late consultations at reports.

Kaugnay nito, ipinaalala naman ang DOH sa publiko ang 5S strategy laban sa dengue. Una ay ang search o paghahanap at pagsira sa pinamumugaran ng mga lamok, ikalawa, paggamit ng sel-protection measures, ikatlo, seek early consultation, pagsasagawa ng fogging kapag kinakailangan at mapanatili ang hydration.