-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 19 na bagong kaso ng fireworks-related injuries sa Central Visayas batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Department of Health-7.

Dahil dito, pumalo na sa kabuuang 93 kaso ang naitala ng kagawaran mula Disyembre 21, 2024 hanggang Enero 2 ng taong kasalukuyan.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ang Probinsya ng Cebu na umabot sa 39, sinundan naman ito ng Cebu City na may 18 at Lapu-Lapu City na may 14 na kaso.

Bahagya pang tumaas ang naitala ngayon kung ikukumpara sa 83 kasong naitala noong Disyembre 21 noong 2023 hanggang Enero 7 noong nakaraang taon.

Nauna na ring inihayag ni Dr. Shelbay Blanco na inaasahan na nila ang pagtaas ng mga kaso habang papalapit ang pagpasok ng bagong taon.

Samantala, umabot naman sa kabuuang 133 ang mga naitalang road traffic-related injuries sa rehiyon matapos nadagdagan ito ng 4 mula Disyembre 21 noong nakaraang taon hanggang sa Enero 2 ng taong kasalukuyan.