Pababa na ang kaso ng influenza-like illnesses sa bansa ayon sa datos ng Department of Health.
Kung saan nakapagtaa ng 4,279 kaso ng sakit mula Enero 1 hanggang 14, 15% itong mas mababa kumpara sa nakalipas na 2 linggo.
Sa datos noong Dec. 17 hanggang 31 noong 2023, tumaas ito sa 6,266 cases.
Sa kabila pa ng pagbaba na ng kaso ng naturang sakit, inaabisuhan pa rin ng DOH ang puibliko na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask, tiyaking may sapay na bentilasyon at magpabakuna laban sa common illnesses.
Ang influenza-like illnesses ay tinukoy bilang medical diagnosis ng posibleng influenza o ib apang sakit na nagdudulot ng mga sintomas gaya ng lagnat, panginginig, nilalamig, dry cough, pagkawala ng ganang kumain,pananakit ng katawan, nausea at sneezing.