-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Bumaba na ang kaso ng hand, foot and mouth desease sa Sarangani Province ayon sa datos.

Ito ang sinabi ni Dr. Arvin Alejandro ang provincial health officer ng Sarangani.

Ayon dito, ang mahalaga ay maagang nalaman ang estado ng sakit kaya maaga din itong nasolusyonan at naiwasan.

Nabatid na naka-isolate ang mga matutuklasang infected sa nasabing karamdaman upang sila ay magamot at hindi na makahawa pa sa iba.