LEGAZPI CITY – Pumalo na sa 144 ang naitalang kaso ng hand-food-and -mouth disease sa bayan ng Camalig sa Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tim Florece ang tagapagsalita ng Camalig Local Government Unit, sa naturang bilang nasa 22 pa ang aktibong kaso o patuloy na nakararanas ng sintomas ng nasabing sakit.
Dahil dito, mahigpit ang ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso lalo pa’t karamihan sa mga tinatamaan ay mga bata.
Naglilibot na rin ang mga tauhan ng Municipal Health Office sa mga barangay upang magbigay abiso sa publiko kung papanong makaiwas sa sakit.
Nagsasagawa rin ng disinfection sa mga lugar kung saan marami ang mga naitatalang kaso partikular na sa mga paaralan.
Abiso rin ni Florece sa mga magulang na kung sakaling magkaroon ng hand-food and mouth disease ang kanilang anak, e-isolate muna at huwag pagyagan pang lumabas upang hindi na makahawa pa sa iba.