-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tumaas ang kaso ng hand, foot and mouth diseases (HFMD) sa Cordillera Administrative Region mula Enero hanggang Nobyembre ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Dr. Jennifer Joyce Pira, Medical Officer IV ng Center for Health ng Department of Health – Cordillera, naitala ang 689 na kaso ng HFMD ngayon taon.

Malayong mas mataas ito mula sa 66 na kaso na naitala sa mga kaparehong buwan noong 2018.

Ipinaliwanag niya na maaaring magbago ang mga datus na maitala sa naturang sakit dahil sa pagbabago sa hygiene sa mga bata.

Sinabi pa ni Pira na kadalasang nadadapuan ng HFMD ang mga batang gumagapang hanggang sa mga limang taong gulang.

Dahil dito, ipinayo ng manggagamot ang pagkakaroon ng tamang hygiene sa loob at labas ng tahanan para maiwasan ang hand, foot and mouth diseases.