Tumaas pa sa 77 ang bilang ng mga Pilipinong tinatamaan ng mga sakit na may kinalaman sa mainit na panahon sa bansa kabilang ang mga nasawi.
Base sa monitoring mula sa DOH Event-based Surveillance and Reponse System mula Enero 1 hanggang Abril 29, lumalabas na nasa 87% o 67% ng mga kaso ay nasa edad 12 hanggang 21 anyos.
Sa kabuuang bilang na ito, 7 ang napaulat na nasawi bagamat wala pang pinala na resulta kung ito ay dulot ng heat stroke dahil walang sapat na data.
Subalit ayon sa DOH posible ang mga naitalang nasawi bunsod ng heat-related illness kabilang ang heat stroke o heat influenced gaya ng underlying high risk sa heart attack dulot ng mainit na kapaligiran na humantong sa pag-akyat ng blood pressure.
Sa unang data ng DOH, naitala ang heat related illnesses sa Central Visayas, Ilocos Region at Soccsksargen.