-- Advertisements --
DAVAO CITY – Patuloy na pinapaigting sa lokal na gobyerno ng Davao De Oro, Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) ang kanilang information drive para maiwasan ang pagkalat sa Hand, Foot, and Mouth Disease sa Davao Region.
Ayon kay Desiree Rasonabe, Supervising Health Program Officer ng Davao de Oro Provincial Health Office (PHO), mayroong mahigit 300 mild cases ng sakit ang naitala sa lalawigan ng Davao De Oro.
Patuloy din nilang kinukumpirma ang iba pang hinihinalang kaso ng sakit.
Aniya, mananatiling kontrolado ang kaso ng HFMD sa lahat ng munisipalidad ng Davao De Oro.