-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tumaas na sa 694 mula sa 483 nitong nakalipas na taon ang naitalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa rehiyon ng Caraga, kung saan 208 nito ay mula sa lungsod ng Butuan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Anthony Torralba – focal person ang Butuan City Health Office, na nangungunang mode of transmission pa rin sa nasabing sakit ang unprotected sex.

Ayon sa opisyal, kada-taon ay makakapagtala ng patay ang kanilang tanggapan dahil sa nasabing sakit kung saan karamihan sa mga ito ay late diagnosis.

Base sa National HIV Treatment Hub, nagtala ang Butuan City ng 89% mga pasyenteng sumailalim sa treatment na kumpirmadong bumaba ang viral loads sa katawan.

Umaasa si Torralba na magiging siento-porsiento na ang pagbaba ng kanilang viral loads upang bababa din ang kanilang tsansa sa transmission ng virus.

Dahil dito’y hindi na sila gaanong na-alarma dahil sa isinagawang treatment maliban amang noong mga nananatiling in denial kahit nagpositibo sa test at nagmamatigas sa pagpapasailalim sa medikasyon.

Dahil dito’y inihayag ng opisyal na patuloy pa nilang sinubaybayan ang mga naging sexual partners ng mga nagpositibo sa nasabing sakit.

Tantya ng nasabing tanggapan, aabot sa apat na beses ang posibleng magiging transmission nito mula sa isang nagpositibo sa HIV.