Tumaas sa 63% ang kaso ng human rabies sa bansa mula Disyembre 17 hanggang 31 ng nakalipas na taon.
Base sa ulat ng Department of Health (DOH), 13 kaso ng rabies ang naitala sa naturang period, mas mataas ito sa 8 kasong naitala sa nakalipas na 2 linggo.
Nakitaan ng pagtaas sa kaso ng rabies sa National Capital Region), Regions I, III, IV-A, V, VI, X, XII, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa kasalukuyang taon naman mula Enero 1 hanggang 13, umaabit na sa 7 ang kaso ng rabies.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko na nakakamatay ang rabies kung saan ang mga aso at pusa na mayroong rabies ay maaring maka-infect sa kanilang mismong owners maging ang mga stray cats at dogs.
Ipinaalala din ng ahensiya na sa ilalim Republic Act No. 9482, o Anti-Rabies Act of 2007, minamandato ang Da-Bureau of Animal Industry na manguna sa pagkontrol at pagpuksa sa animal at human rabies.
Inaatasan din sa ilalim ng batas ang mga lokal na pamahalaan para sa kaukulang pagbabakuna sa lahat ng mga aso laban sa rabies at ang striktong pagpapatupad ng dog impounding activities kung nasaan ang stray dogs at dapat na dalhin agad sa ospital kung nakagat ng hayop.