BAGUIO CITY–Tumaas ang bilang ng incest rape sa probinsiya ng Benguet sa rehiyon Cordillera sa loob ng pitong buwan.
Batay sa pinakahuling ulat ng Provincial Social Welfare Development Office, pumalo sa 44 ang kaso ng panggahasa o sekswal na pang-aabuso sa mga menor de edad mula Enero hangga’t Hulyo sa kasalukuyang taon.
Mula sa nasabing bilang, 21 ang kaso ng incest rape kung saan suspek sa pang-aabuso ang mismong miyembro ng pamilya ng biktima.
Malayong mas mataas ito kung ikumpara sa anim na kasong naitala ng probinsiya sa kaparehong period noong nakaaraang taon.
Napag-alaman pa na ang mga perpetrators ay mismong ama, uncle, kapatid, lolo, o pinsan ng mga biktima.
Ayon pa sa PSWD, ang mga kaso a karaniwang naitala sa community quarantine ngunit lumabas sa pag-aaral na epekto pa rin ito ng iba’t ibang kadahilanan.
Dahil dito, gumagawa ngayon ng intervention ang mga kinauukulang opisina at ahensya ng gobyerno para isagawa ang mga serye ng counseling, psychological evaluation at iba pang proseso para matulongan ang mga biktima ng rape o sekswal na pang-aabuso lalo na sa mga kabataan.
Hinihikayat naman ng mga otoridad ang mga magulang na maging masigasig hinggil sa pagprotekta sa kanilang anak para maiwasan ang mga ganitong insidente.