-- Advertisements --
Pinawi ng PNP ang pangamba ng publiko sa pagtaas ng krimen sa bansa.
Una rito, naglabas ang US State Department ng travel advisory sa kanilang mga kababayan na pupunta sa Pilipinas dahil sa umano’y pagtaas ng kaso ng kidnapping.
Partikular na rito ang mga lumabas na report ng terrorism activities sa Marawi City at kidnapping sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, isolated lamang umano ang mga krimen lalo na ang kidnapping na kontrolado naman ng mga otoridad.
Depensa niya, kapag mayroon mang kidnapping sa bahagi ng Mindanao ay hindi naman ito nagaganap sa iba pang bahagi ng bansa.